Mga mensahe sa deklarasyon
Sa layuning makamit ang sapat, ligtas, at abot-kayang pagkain para at mula sa mamamayang Pilipino, isinusulong natin ang mga sumusunod na panukala:
1. Itigil ang liberalisasyon at dayuhang dominasyon sa pagkain
2. Magpatupad ng tunay na reporma sa lupa
3. Kamtin ang makatarungang presyo at sahod
4. Palakasin ang agrikulturang Pilipino at paunlarin ang mga industriya sa kanayunan at buong bansa
5. Pondohan ang pagkaing Pilipino
6. Magkaroon ng sapat at kagyat na suporta sa panahon ng kalamidad
7. Palaganapin ang maka-magbubukid na pananaliksik at pagpapaunlad
8. Isulong ang mga demokratikong karapatan ng mamamayan
Pakinggan sa bidyong ito ang mga mensahe ng ilan sa mga kalahok nating organisasyon sa kampanya tungo sa isang maka-Pilipinong pagkain, kasabay ng idinaraos natin ngayong Global People's Summit on Food Systems.
Basahin ang buong deklarasyon sa salusalo.org.
#NPFSS #SaluSalo2021 #LupaParaSaMagsasaka #PagkainParaSaLahat #Hungry4Change